Miyerkules, Marso 5, 2014

Ang Kainang "Jojo's Ulo Ulo sa Kubo"


        Ang Jojo's Ulo-Ulo sa Kubo ay makikita sa kanto ng Williams Street at Heizer Street, Balara FiltersQuezon City. Dinarayo ang kainang ito dahil sa kanilang mga putahe gaya ng Sisig, Sinigang sa Miso, Beef Tapa at iba pa. Hindi man ganoon kakilala ang kainang ito sa kadahilanang makikita ito sa liblib na lugar sa aming barangay. Subalit, kung inyong susubukan, tiyak na hinding-hindi niyo makalilimutan ang sarap ng kanilang mga putahe at maranasan ang makakain sa kubo, ang pakiramdam na ika'y nasa probinsya.

Mga Menu sa kainang "Jojo's Ulo-ulo sa Kubo"

Ito ay ilan lamang sa mga pagkaing puwedeng pagpilian sa kainang "Jojo's Ulo-ulo sa Kubo".

     Hindi nga matatangi ang kanilang iba't-ibang pagkain na kanilang inihahain. Ang iba naman nilang inihahain ay  may kani-kanilang bersyon.

Mga tao sa kainang "Jojo's Ulo-ulo sa Kubo"

Mga nakaranas ng kumain sa kainang "Jojo's Ulo-ulo sa Kubo"

      Mga taong mas pinili pang kumain sa kainang "Jojo's Ulo-ulo sa Kubo" kaysa sa mga restaurang pagkaganda-ganda. Sapagkat alam nila na sobrang sarap kumain sa isang kubo at kainin ang iba't-ibang klase ng pagkain.