Miyerkules, Marso 5, 2014

Ang Kainang "Jojo's Ulo Ulo sa Kubo"


        Ang Jojo's Ulo-Ulo sa Kubo ay makikita sa kanto ng Williams Street at Heizer Street, Balara FiltersQuezon City. Dinarayo ang kainang ito dahil sa kanilang mga putahe gaya ng Sisig, Sinigang sa Miso, Beef Tapa at iba pa. Hindi man ganoon kakilala ang kainang ito sa kadahilanang makikita ito sa liblib na lugar sa aming barangay. Subalit, kung inyong susubukan, tiyak na hinding-hindi niyo makalilimutan ang sarap ng kanilang mga putahe at maranasan ang makakain sa kubo, ang pakiramdam na ika'y nasa probinsya.

1 komento: